Wednesday, 9 March 2016

Laging Late


Nag set na nga kayo ng call time with consenquences, tapos yung laging late. Sasabihing, 
“MALILIGO NA”,
yun pala kakaging lang, sasabihing
“OTW”
 yun pala nasa bahay pa lang, at sasabing
 “MALAPIT NA”
 yun pala paalis pa lang ng bahay. At kayong lahat naghihintay na pero sya na lang ung wala. As usual, late na naman.

NERD

Yung kaibigan mong super notes pag may discussions, super review pag may quiz or long test, kaya pag kailangan nyo lang ng reviewer alam nyo na kung sino ang lalapitan. Sila na din yung walking-dictionary kumbaga, alam lahat ng words sa dictionary alam nila.

Loading...

Yung kaibigan mong Loading… Lahat kayo nagets na yung sinasabi ng isa hanbang sya 
… L O A D I N G…
 nag preprocess pa sa utak nya. Kya minsan kayong mga kaibgan nya naka move-on na, tapos sya tsaka pa lang mag re-react ng bonggang bonggang.

Makatawa Wagas


Yung kaibigan mong makatawa wagas, na para bang wala ng bukas. 
Yun bang mabibilang mo na yung bulok nyang ngipin, makikita mo na din yung ngala-ngala nya sa sobrang buka ng bibig nya.
 Yung nangingibabaw yung tawa niya sa inyong magkakaibigan na kinakahiya nyo na din sya paminsan minsan.
 Sa kaunting joke lang tatawa na agad, na kasya ang isang buong kamay mo sa bunganga niya.

Kakantang Nasa Tono Pero may Sariling Lyrics



Yung kaibigan mong laging may sariling lyrics, minsan babasahin na nga lang nya meron pa syang baong kanya. 
Pero palagi naman syang nasa tono.
Kaya pag kakanta kayong lahat, wag na kayong magtaka, sya lang ang naiiba.

Sasabihing “patikim” hanggang sa maubos na nya

Yung kaibigan mong pag may bago kang bukas na pagkain, lalapit sila sayo at sasabihing,
“uyy patikim ako hah!”
Syempre papaya ka naman, maniniwala ka sa kanya na titikim lang sya, pero sasabihin ullit sayo,
“Isa pa hah!”
Hanggang sa tuloy-tuloy na, nagkakalimutan na, maya maya ubos na pala yung kinakain mo. 
Oo naman, binili mo yun para sa kanila, para mabusog sila, at ikaw na bumili, ikaw lang talaga yung tumikim.

Maswerte sa lovelife

Yung kaibigan mong maswerte sa lovelife. Hindi mo aakalain na sila may love life, eh ikaw? Nga nga!
Sila yung mga kaibigan mong habulin ng admirers.
Pag magkasama kayo, sila yung laging hinihingan ng number, sila ung katawag tawag ng pansin. 
Na sa sobrang ganda, nakakainis na.

Yung tipong kakahiwalay lang nila ng syota nila, meron na agad kapalit.