Wednesday, 9 March 2016

Laging Late


Nag set na nga kayo ng call time with consenquences, tapos yung laging late. Sasabihing, 
“MALILIGO NA”,
yun pala kakaging lang, sasabihing
“OTW”
 yun pala nasa bahay pa lang, at sasabing
 “MALAPIT NA”
 yun pala paalis pa lang ng bahay. At kayong lahat naghihintay na pero sya na lang ung wala. As usual, late na naman.

NERD

Yung kaibigan mong super notes pag may discussions, super review pag may quiz or long test, kaya pag kailangan nyo lang ng reviewer alam nyo na kung sino ang lalapitan. Sila na din yung walking-dictionary kumbaga, alam lahat ng words sa dictionary alam nila.

Loading...

Yung kaibigan mong Loading… Lahat kayo nagets na yung sinasabi ng isa hanbang sya 
… L O A D I N G…
 nag preprocess pa sa utak nya. Kya minsan kayong mga kaibgan nya naka move-on na, tapos sya tsaka pa lang mag re-react ng bonggang bonggang.

Makatawa Wagas


Yung kaibigan mong makatawa wagas, na para bang wala ng bukas. 
Yun bang mabibilang mo na yung bulok nyang ngipin, makikita mo na din yung ngala-ngala nya sa sobrang buka ng bibig nya.
 Yung nangingibabaw yung tawa niya sa inyong magkakaibigan na kinakahiya nyo na din sya paminsan minsan.
 Sa kaunting joke lang tatawa na agad, na kasya ang isang buong kamay mo sa bunganga niya.

Kakantang Nasa Tono Pero may Sariling Lyrics



Yung kaibigan mong laging may sariling lyrics, minsan babasahin na nga lang nya meron pa syang baong kanya. 
Pero palagi naman syang nasa tono.
Kaya pag kakanta kayong lahat, wag na kayong magtaka, sya lang ang naiiba.

Sasabihing “patikim” hanggang sa maubos na nya

Yung kaibigan mong pag may bago kang bukas na pagkain, lalapit sila sayo at sasabihing,
“uyy patikim ako hah!”
Syempre papaya ka naman, maniniwala ka sa kanya na titikim lang sya, pero sasabihin ullit sayo,
“Isa pa hah!”
Hanggang sa tuloy-tuloy na, nagkakalimutan na, maya maya ubos na pala yung kinakain mo. 
Oo naman, binili mo yun para sa kanila, para mabusog sila, at ikaw na bumili, ikaw lang talaga yung tumikim.

Maswerte sa lovelife

Yung kaibigan mong maswerte sa lovelife. Hindi mo aakalain na sila may love life, eh ikaw? Nga nga!
Sila yung mga kaibigan mong habulin ng admirers.
Pag magkasama kayo, sila yung laging hinihingan ng number, sila ung katawag tawag ng pansin. 
Na sa sobrang ganda, nakakainis na.

Yung tipong kakahiwalay lang nila ng syota nila, meron na agad kapalit.

Thursday, 3 March 2016

Mahilig Manood ng Porn

Yung tipong nagkukumpulan na sila sa isang sulok, nako! Alam mo na agad kung anong ibig sabihin nun, alam mo na agad kung anong meron dun. At isa sa kanila ang may pasimuno, hihiramion mo yung phone nila, punong-puno ng porn videos.

 Yung tipong pag may bagong scandal, updated na agad sila. Bukas na bukas ipapanood na agad sa inyo. Magtatawag pa ng kasamang manood, seryosong seryoso.

Pero syempre hindi mawawala yung tipong marinig lang aalis na agad. Kailangan pa kayong patigin wag lang nyang mapanood.

KJ


Yung kaibigan mong sa lahat ng lakad nyo siya lagi wala, pag yayayain nyo, lagi na lang may rason. At kung kasama nyo man, sila ung busing busy sa phone nila, na akala nyo ang daming katext. Maya’t maya lagging nakatingin sa oras.

Sila din madalas yung strict ang parents. Na kailangan pang magpaalam bago lumabas, hindi pwedeng gabihin. Maya’t maya nagtetext o tumatawag na ang magulang nila. Kaya minsan kayo nadadamay na din.

Rich Kid

Sagot na daw niya kasi bagong dating ung allowance, pumapasok naka kotse, yung lahat ng gadgets niya Apple, lahat ng gamit nya branded. Mismong ikaw na kaibigan nya mahihiyang tumabi sa kanya.

Pero lagi nyong tambayan yung bahay nila kasi maraming pagkain, maraming chocolates, mga magulang nila wala dito sa Pilipinas. May paguutangan ka pag sobrang gipit ka na.

Wednesday, 2 March 2016

Everday Photoshoot

                                       

Yung kaibigan mong everyday nagphophotoshoot. Halos araw-araw may selfie, mag papapicture lang pa sayo para lang may mapost sa Facebook, Instagram, Twitter, etc.
Pag bagong hair cut, maganda ang ambiance ng lugar, pag maganda ang backgaround,pag bago lang sa isang lugar, pag maynew friend, before lunch and after, minsan nga habang may teacher pa, etc.
"Bes, picturan mo alp dito, bilis!" at sasabihin pa sayo 
"yung magandang angle hah!"
Minsan nga hihiramin pa yung phone mo,
"uy, pa selfie naman, pa log-in na din", "Post mo ha!", "Bheb pa-tag!"